BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Sunday, September 11, 2011

09/11/11 9:48pm

Isang malalim at mahabang
"HAAAAAAAAAYYYYY!"

September 11, 2011 ngayon. Linggo. May pasok kami.
Case presentation pa nga.
Tamad na tamad ako bumangon mula sa kama.
Ayoko pumasok. Sunday nga kasi.
Nakasanayan na ng katawan ko na namamahinga kapag Linggo.
Pero kahit gaano pa ko tinatamad, hindi pwedeng hindi pumasok.
Kaya bumangon pa rin ako.

Late na..
8am ang start ng Case presentation.
May halos isang oras byahe mula sa bahay hanggang school.
7:20am na ko nakaalis nang bahay.
Sumakay ng tricycle.. Bumaba.. Sakay naman ng jeep..
Pagkasakay ko, hindi agad ako nagbayad.
Kasi konti lang yung laman ng jeep, walang mag-aabot ng bayad ko kay Manong.
Naghintay pa ko ng mga sasakay....

Paglipas ng ilang minuto, huminto yung jeep.
May sasakay.
Nakita ko naka-uniform din ng Nursing at blue ang bag nya.
Parang pamilyar...
Siya pala! Habang nakahinto yung jeep sa tapat ng bahay nila, nagdadasal ako:
"Wag kang sasakay, wag kang sasakay!" (3x)
Pero di umepekto, sumakay sya..

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Sobraaaaa!
Nanlamig ako.
Lalo nung umupo sya sa tabi ko.
'Di ko na talaga alam gagawin ko. Kaya nagpanggap ako na parang wala lang.
Nasa kaliwa ko sya. At saktong dun ako nakatingin.
Nung pagka-upo nya, nakita nya ko.
Lalong bumilis tibok ng puso ko nung nakatingin na sya sakin.
Tahimik...
At nagsalita na sya: "Bayad ka na?"
Ako naman, kabado. Siguro nahalata nya kasi tumitig muna ko ng matagal bago ako sumagot.
Tumango lang ako.
At nagtanong pa sya ulit: "Di ka pa talaga bayad?"
Sumagot na ko: "Di pa nga."
Ayun, nagbayad sya:
"Bayad po. Isang galing Halang, isang kasasakay lang."
Oo, binayad nya ko. Tss.
Gusto ko mag-thank you, pero ewan ko ba.
Sa kaba at hiya ko. Wala na kong nasabing kahit ano.

Sa tinagal tagal ng byahe namin, ni hindi kami nag-usap bukod sa tanungan tungkol sa bayad.
Buong byahe, di nagbago yung tibok ng puso ko.
At habang tumatagal, nararamdaman kong naiiyak na ko.
Kaya umiba na ko ng tingin. Lumingon ako sa kanan. Tumingin sa malayo.
ang tagal kong pinigil ng nararamdaman ko. Pinigil ko talagang pumatak yung luha ko.
Siguro nahahalata nya yung malalalim na buntong-hininga ko.
Okay lang. Di nya naman nakita na tutulo na ung luha sa mga mata ko.

Huminto na yung jeep. Nasa school na.
Ako unang bumaba, sumunod sya,
Naglakad ako, pero mas mabilis lakad nya. Kasi binabagalan ko.
Ayokong makasabay sya sa paglakad.
Nung tatawid na, huminto muna sya kahit naka-red light naman.
Naka-stop yung mga sasakyan.
Edi ako naman, humakbang na. Tatawid na sana ako at mauuna na sa kanya.
Pero nung hahakbang naulit ako, biglang nag-go ang mga sasakyan.
Hahakbang ako pabalik...
Nakatingin sya sakin, titig pa nga.
Seryoso yung mukha nya, tinitingnan siguro kung ano yung mga nagbago sa mukha ko.
Ni hindi sya ngumiti. At ganun din ako..
Nung wala nang dumadaan na sasakyan, tumawid na kami.
Pagkatawid, nakit ko yung kaklase ko. Sa kanya na ko sumabay at nauna na siya..

Pagkakataon nga nman. Inaasahan ko naman na mangyayari to isang araw eh.
At ito na nga yung araw na yun.
Naiiyak ako.
Pakiramdam ko, nadurog na naman ng pinong-pino yung puso ko na pilit kong pinagdidikit-dikit.
Pakiramdam ko, sumabog dun sa jeep yung mga piraso ng puso ko.
Gusto kong pulutin.
Ang sakit.
Ang lungkot.
Yung taong dati, kakwentuhan, katawanan ko..
Yung taong dati hawak yung kamay ko, yakap ako, kahampasan ko..
Ni hindi ko nakausap, nakakwentuhan, nahawakan, o nakalabit man lang.
Yung taong nakasama ko ng tatlong taon, parang hangin lang na tumabi sakin.
Yung taong dati.. Mahal ako..
Ngayon, parang hindi na kami magkakilala.
Yung taong pinagbigyan ko ng puso ko ng buong buo, ang taong dumudurog ngayon ng paulit-ulit sa puso ko.

Yung pakiramdam na.. Mukang naka-move on na talaga sya?
Yung parang para sa kanya, walang nangyari.
Pero bakit para sakin, fresh na fresh pa din lahat lahat?
Pinipilit kong kalimutan na. Pinipilit kong pagalingin yung sugat.
Pero sa tuwing makikita ko sya, lalong sumasakit.
Lalong nadudurog..

Hanggang kailan ako ganito?
Hanggang kailan ko mararamdaman 'to?
Sobrang hirap, sobrang sakit.
Sabi nga nila, hindi naman tlaga madali. Hindi rin dapat madaliin.
"It takes time."
"Time heals."
Gaano kahabang oras ba ang kailangan?
It's been almost 7 months since we broke up.
Sya, in less than a month, mukang Okay na.
Ako, eto. Ganun pa rin. BROKEN..
Nahihirapan ako.
Nahihirapan akong kalimutan sya.
Nahihirapan akong kalimutan yung mga memories namin sa loob ng tatlong taon.
Sa tuwing naalala ko lahat, lalong nadudurog yung puso ko.
Nahihirapan akong maging masaya nang wala sya.
Nahihirapan akong maging masaya para sa kanya.
Nahihirapan ako tuwing iniisip ko na, wala na..

Pero kahit mahirap, KAILANGAN.
Lalo lang ako mahihirapan kung hindi ko pa puputulin 'tong kagagahan ko.
Alam ko darating din yung araw na, paggising ko, totoong masaya na ko.
Sana gumaling na ang mga sugat ng kahapon..
Sana maka-recover na ko.
Alam ko, nararamdaman ko, mangyayari din yun.
Hindi ko lang alam kung kailan..

Excited na ko para sa araw na yun..

Sana malapit na..