BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Sunday, September 11, 2011

09/11/11 9:48pm

Isang malalim at mahabang
"HAAAAAAAAAYYYYY!"

September 11, 2011 ngayon. Linggo. May pasok kami.
Case presentation pa nga.
Tamad na tamad ako bumangon mula sa kama.
Ayoko pumasok. Sunday nga kasi.
Nakasanayan na ng katawan ko na namamahinga kapag Linggo.
Pero kahit gaano pa ko tinatamad, hindi pwedeng hindi pumasok.
Kaya bumangon pa rin ako.

Late na..
8am ang start ng Case presentation.
May halos isang oras byahe mula sa bahay hanggang school.
7:20am na ko nakaalis nang bahay.
Sumakay ng tricycle.. Bumaba.. Sakay naman ng jeep..
Pagkasakay ko, hindi agad ako nagbayad.
Kasi konti lang yung laman ng jeep, walang mag-aabot ng bayad ko kay Manong.
Naghintay pa ko ng mga sasakay....

Paglipas ng ilang minuto, huminto yung jeep.
May sasakay.
Nakita ko naka-uniform din ng Nursing at blue ang bag nya.
Parang pamilyar...
Siya pala! Habang nakahinto yung jeep sa tapat ng bahay nila, nagdadasal ako:
"Wag kang sasakay, wag kang sasakay!" (3x)
Pero di umepekto, sumakay sya..

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Sobraaaaa!
Nanlamig ako.
Lalo nung umupo sya sa tabi ko.
'Di ko na talaga alam gagawin ko. Kaya nagpanggap ako na parang wala lang.
Nasa kaliwa ko sya. At saktong dun ako nakatingin.
Nung pagka-upo nya, nakita nya ko.
Lalong bumilis tibok ng puso ko nung nakatingin na sya sakin.
Tahimik...
At nagsalita na sya: "Bayad ka na?"
Ako naman, kabado. Siguro nahalata nya kasi tumitig muna ko ng matagal bago ako sumagot.
Tumango lang ako.
At nagtanong pa sya ulit: "Di ka pa talaga bayad?"
Sumagot na ko: "Di pa nga."
Ayun, nagbayad sya:
"Bayad po. Isang galing Halang, isang kasasakay lang."
Oo, binayad nya ko. Tss.
Gusto ko mag-thank you, pero ewan ko ba.
Sa kaba at hiya ko. Wala na kong nasabing kahit ano.

Sa tinagal tagal ng byahe namin, ni hindi kami nag-usap bukod sa tanungan tungkol sa bayad.
Buong byahe, di nagbago yung tibok ng puso ko.
At habang tumatagal, nararamdaman kong naiiyak na ko.
Kaya umiba na ko ng tingin. Lumingon ako sa kanan. Tumingin sa malayo.
ang tagal kong pinigil ng nararamdaman ko. Pinigil ko talagang pumatak yung luha ko.
Siguro nahahalata nya yung malalalim na buntong-hininga ko.
Okay lang. Di nya naman nakita na tutulo na ung luha sa mga mata ko.

Huminto na yung jeep. Nasa school na.
Ako unang bumaba, sumunod sya,
Naglakad ako, pero mas mabilis lakad nya. Kasi binabagalan ko.
Ayokong makasabay sya sa paglakad.
Nung tatawid na, huminto muna sya kahit naka-red light naman.
Naka-stop yung mga sasakyan.
Edi ako naman, humakbang na. Tatawid na sana ako at mauuna na sa kanya.
Pero nung hahakbang naulit ako, biglang nag-go ang mga sasakyan.
Hahakbang ako pabalik...
Nakatingin sya sakin, titig pa nga.
Seryoso yung mukha nya, tinitingnan siguro kung ano yung mga nagbago sa mukha ko.
Ni hindi sya ngumiti. At ganun din ako..
Nung wala nang dumadaan na sasakyan, tumawid na kami.
Pagkatawid, nakit ko yung kaklase ko. Sa kanya na ko sumabay at nauna na siya..

Pagkakataon nga nman. Inaasahan ko naman na mangyayari to isang araw eh.
At ito na nga yung araw na yun.
Naiiyak ako.
Pakiramdam ko, nadurog na naman ng pinong-pino yung puso ko na pilit kong pinagdidikit-dikit.
Pakiramdam ko, sumabog dun sa jeep yung mga piraso ng puso ko.
Gusto kong pulutin.
Ang sakit.
Ang lungkot.
Yung taong dati, kakwentuhan, katawanan ko..
Yung taong dati hawak yung kamay ko, yakap ako, kahampasan ko..
Ni hindi ko nakausap, nakakwentuhan, nahawakan, o nakalabit man lang.
Yung taong nakasama ko ng tatlong taon, parang hangin lang na tumabi sakin.
Yung taong dati.. Mahal ako..
Ngayon, parang hindi na kami magkakilala.
Yung taong pinagbigyan ko ng puso ko ng buong buo, ang taong dumudurog ngayon ng paulit-ulit sa puso ko.

Yung pakiramdam na.. Mukang naka-move on na talaga sya?
Yung parang para sa kanya, walang nangyari.
Pero bakit para sakin, fresh na fresh pa din lahat lahat?
Pinipilit kong kalimutan na. Pinipilit kong pagalingin yung sugat.
Pero sa tuwing makikita ko sya, lalong sumasakit.
Lalong nadudurog..

Hanggang kailan ako ganito?
Hanggang kailan ko mararamdaman 'to?
Sobrang hirap, sobrang sakit.
Sabi nga nila, hindi naman tlaga madali. Hindi rin dapat madaliin.
"It takes time."
"Time heals."
Gaano kahabang oras ba ang kailangan?
It's been almost 7 months since we broke up.
Sya, in less than a month, mukang Okay na.
Ako, eto. Ganun pa rin. BROKEN..
Nahihirapan ako.
Nahihirapan akong kalimutan sya.
Nahihirapan akong kalimutan yung mga memories namin sa loob ng tatlong taon.
Sa tuwing naalala ko lahat, lalong nadudurog yung puso ko.
Nahihirapan akong maging masaya nang wala sya.
Nahihirapan akong maging masaya para sa kanya.
Nahihirapan ako tuwing iniisip ko na, wala na..

Pero kahit mahirap, KAILANGAN.
Lalo lang ako mahihirapan kung hindi ko pa puputulin 'tong kagagahan ko.
Alam ko darating din yung araw na, paggising ko, totoong masaya na ko.
Sana gumaling na ang mga sugat ng kahapon..
Sana maka-recover na ko.
Alam ko, nararamdaman ko, mangyayari din yun.
Hindi ko lang alam kung kailan..

Excited na ko para sa araw na yun..

Sana malapit na..

Thursday, December 23, 2010

Sadyang Malamig 'pag Pasko :)

Ramdam mo na ba? Ako, oo. Alam kong hindi mo tinatanong. Gusto ko lang i-share! :)
Kanina paggising ko, nakabalot ako ng kumot. Malamig nga kasi eh.
Syempre, Dec.24 na ngayon. Mamaya Noche Buena na!
Bukas Birthday na ng pinakamamahal ko. Ü
Oo, pasko na nga bukas.
Siguro ang pasko ko ngayon ay "KEBS" lang. (Okay lang)
'Di masyado masaya, 'di rin naman malungkot.
Pero naniniwala ako na depende pa rin naman sa tao yun.
Kung gugustuhin nya na maging masaya, o magpapaka-Emo na lang sya.
Kung member ka man ng SMP (Samahan ng Malamig ang Pasko),
Isipin mo na lang na Sadya namang Malamig 'pag Pasko eh, kesa amgmukmok ka d'yan.

Merry Christmas sa lahat!

Happy Birthday Jesus.
Mahal na Mahal po kita <3

Sunday, September 27, 2009

Drama :)

Ang mga napapag-usapan sa mga panahon ngayon ay ang college life :(
Graduation na agad ang nasa isip, ay! hindi pala un. Yung mga mangyayari pala after ng graduation. Ayaw kasi maghiwa-hiwalay, parang na bulldog super glue. (: Kaya bawat araw ngayon sa skul, gusto puro saya, kelangan sulitin. matatapos na kasi ang unli. Hindi nmn pede ma-extend kasi wala ng load. hay, nakakalungkot mag'isip ng ganito. Pero maaga pa nmn dba? ay. gabe na pala. I mean, september pa lang. March pa kme mgkakanya-kanya. Madrama lang talaga, nadadala kakanuod ng tayong dalawa at stairway to heaven :) mga kafriendship ko. Kung mbabasa nyo to, wag na tayo mga'away no? maagawan lng kasi ng candy weh parang world war III na xD Mag'intindihan na lng tayo kahit wala tayong pang-intindi ((: ILy. mwaa! ♥

Sunday, July 26, 2009

Senior Na Pala Ko?

Magdadalawang buwan na rin akong fortyir. Pero d ko pa rin maramdaman na fortyir na nga ako. Parang di ko pa rin maisip na sa march, magsusuot ako ng black na stockings wid matching high heels na sapatos, Un tipong babaon sa paa ng malas na taong matatapakan mo. Lalakad ako sa gitna kaholding'hands ang nanay at tatay ko, iniintay ni ka boy at bibilang ng "1, 2, 3!"
Ang gara talaga. sbe nga ni mme. beth. Di pa rin raw kme ma'detach sa pagiging juniors namen. siguro nga tama xa. tsk hirap kasi tanggapin na "SENIOR" na kme, prng matanda na ng60 years old na. Pero dahil kay mme. jolly, narealize ko na fortyir na nga ako. Ung activity na sorry and thankyou na napagdikit ng sipon ang mga panyo. dahil dun naisip namen na, ilang buwan nlng pla ung natitira para samen. sandaling panahon nlng pala ung pgkakataon namen na mgtawanan ng sama'sama. kailangan na pla nmen gumawa ng mga memorable na mga pangyayari na aalalahanin nmin pg ngkita'kita ult kme after grad. Siguro masyado pang maaga para magdarama at isiping mgkakahiwalay na kme. Dpat magbaon na ng mga celfon at camera mgpiktyur hangga't may natitira pang battery. Enjoyin mga araw. SERVICE, magsaya na tayo. SENIORS na tayo mga parekoys! :)

Tuesday, July 14, 2009

BE BRAVE.

Sometimes, we will encounter many sharpenings in life,
but we need it to become a better pencil. :)

Merong mga bagay na sa tingin ng iba, mkakasama saten,
pinipigilan nila tayo kahit na yon ang makakapagpasaya saten.
Sa tingin nila mali yun. Akala nila makakasama para saten.
Pipilitin ka nilang iwan ang bagay na nakakapagpasaya sayo,
pero merong mga bagay na kahit mali sa tingin ng iba,
tama sa paningin mo.

I can't just leave my happiness.
Sana tama na wag iwan ang nakakapagpasaya saken.
Hihintayin ko ang oras na matanggap nila.
Maghihintay ako,
Para maging totoong masaya na ko. :)


LIVE. LAUGH. LOVE. :)

BE HAPPY ...
ALWAYS :)

LIVE. LAUGH. LOVE. :)

BE HAPPY ...
ALWAYS :)

LIVE. LAUGH. LOVE. :)

BE HAPPY ...
ALWAYS :)

LIVE. LAUGH. LOVE. :)

BE HAPPY ...
ALWAYS :)

LIVE. LAUGH. LOVE. :)

BE HAPPY ...
ALWAYS :)

LIVE. LAUGH. LOVE. :)

BE HAPPY ...
ALWAYS :)

LIVE. LAUGH. LOVE. :)

BE HAPPY ...
ALWAYS :)

Saturday, February 7, 2009

kasama ko xa XDD

o2.o7.o9

akalain mong nksakay st nkapara aq ng JEEP mag'isa?.
first time ko yun no.
buti ndi mxado mlayo ung nilampas ko sa bahay nila. haha ((:
si nanay ung nsa labas nun dumatina ako dun,
xmpre nagmano ako no. magalang eh.
tpos nung nanunuod ba nmn kme ng EB.
sumayaw si nanay! haha. ngulat ako. ntawa ko.
prang bagets eh. EB babe ata. :DD
ayun. ng'enjoy nmn ako sa pagsdayaw nya. haha.
tapos ang mga ssusnod na pangyayari ayyy..

..................................


SECRET!.
XD

Wednesday, December 31, 2008

HAPPY NEW YEAR!. ;]

HAPPY NEW YEAR!.
2009 na. Ü

ngaun lang ulit aq nkapag'blog.
dq nga alm qng blg ba tawag dto sa gngawa ko ih.
hahaha. (:
nkktmad kc ihhh. nkktamaran ko na.

hmmmm..
kelangan ba ng new'years RESOLUTION??.
wag na. d nmn ntutupad ih.
bsta babaguhin ko ung mga dapat.
oh dba??. ayus na yun!. haha.

HAPPY NEW YEAR.
GOODBYE 2oo8!.
HELLO 2oo9!.

ÜÜÜ

Sunday, November 2, 2008

ang pagbabalik. ;]

waaa. ang tagal ko ndi nag'blog.
tsk. tsk.
yan ang hirap ng tamad eh.
haii. sembreak na. kkboring. ok lang. mlpet na let psukan.

uuwi na daddy ko bukas. lagot na ko.
xmpre mgttnong un tungkol kay rap.
eh anu? bka nmn d nya ko maintndhan.
bka d nya ko pniwalaan. haiiiii. :(
bsta wish ko lang d xa mgalet sken.
sna maintndhan nmn nya ko.
sna wag xa kumontra. haiii.
pag cnbe nla n klimutan ko c raf.
d ko mgagawa. d ko kaya.
willing nmn mghintay si rap eh.
hanggang sa pyagan nla kme.
wag lang nlnag ssbhen na klimutan ko xa.
yun ang hinding'hindi ko ggawen.

Thursday, October 2, 2008

SMC. performance day.:)

ayuuuun.
huhusay nila. gagaleng.
ganda ni mdm'jhe.
panu kasi kme ung nag'ayus ng buhok nya.
kulot. :)
galing ng kanta nila ni karel.
ngaun ko lang narealize kung anu meaning nung kanta.
mganda pla. haha. Ü
...
ang galing ng mga nag'perform.
lalu ung sila sir'leo at emma.
tas si recher at mdm'irene. husay! :)
...
nagsayaw dans'club ih.
prang ok lang nmn yung sayaw ko.
ewan ko lang kung maganda yung performance naming lahat.
prang d sila satisfied eh. hihi. :)
...
madae daw akonga naipon ngayon.
si dade kasi may hawak nung pera ih.
haha. Ü

Wednesday, October 1, 2008

EVERYWHERE WiTH HiM. :]

puteek. haha.
HAPPY talaga ko pag kasama ko sya.
kahit saan ako pmunta,
bsta kasama ko sya. ayos na.
sobrang saya. :)


ayun. magkasama kami.
nangyari ulit yung nangyari kahapun.
ang saya. ang saya. ang saya talaga.
walang kokontra.
walang pampam.
walang epal.
masaya na kami, wag eextra! Ü

Tuesday, September 30, 2008

im happy. (:

ang HAPPY ng araw ko.
superrrrrr. ((:
baket ba kamo?? simple lang.
kasi kasama ko sya. Ü
ganun kababaw kaligayahan ko.
makasama ko lang sya, sobrang saya ko na.
dun sa bahay na tambayan namin, masaya.
kasi dun ko sya nakasama.
as iiiinnnnnn. super saya ko talaga.
ÜÜÜÜÜÜÜÜÜ
iLOVEHiM.

Monday, September 29, 2008

LOOOOOSEERR. XP

anu ba nmn iyun? super sinungaling nya aa.
ambisyosang pulubi. eew!. :D
napaka-galing nya mag-imbento ng kwento.
patay na patay kay anu.
tsk. tsk.
sorry xa. akin n iyun.
di nya na maaagaw xaken. bleeh! :P
as if nmn kc na magustuhan xa ni *anu ih.
taas mangarap. grabe.
kung mangagarap ka, siguraduhin mung ang papangarapin mo,
eh yung ka-level mo. hahaha. ;]]
I HATE STORYMAKERS!
they're so EEEEEWWW. duhh. XP

Sunday, September 28, 2008

first time ko to.

My God. first time ko gumawa ng BLOG.
pano ba to? parang diary lang ba?
Oh cge. susubukan ko na. ;]

haaii. malamig. maulan. may bagyo kasi.
sumabay pa sa bagyo yung away namin.
umagang-umaga nag-away agad.
saan ka pa? pero bati na kami ulit.
ganun nmn eh. away tapos bati. ulit-ulit lang.
minsan naiisip ko nkakasawa. pero hindi rin.
okay lang khit mag-away kami araw-araw.
basta walang iwanan. :)